PGMA (gitna) todo bigay sa kanyang talumpati, habang si De Venecia (taas kaliwa) at si VIllar (taas kanan) ay pinagbubulungan siya
Ginanap noong ika-28 ng July 2008 ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Gloria Macpagal Arroyo na ginanap sa Batasang Pambansa. Ito ang ikalawa sa huli niyang SONA. Katulad ng mga nakaraang SONA, sinsabi niya ang mga magaganda at pangit na kalagayan ng bansa, ang kanyang mga magaandang nagawa, at pasasalamat sa mga tumulong.
- "Mabawasan ang ating mga utang and shore up our fiscal independence." Wow taglish! Kung ako si PGMA, tatargetin ko na lang na MAWALA ang utang kahit mabawasan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung nangungurakot itong mga politiko (pero sabi sabi oo, ayoko lang manghusga) pero kung pagsama-samahin natin lahat ng nakuha nilang pera, sa tingin ko malaking parte ng utang ang mababawas. Sa pagkakaalam ko, interes lang ang nababayaran natin, hindi ang utang mismo. "Shore up our fiscal independence", ano yun? di ko gets!
- "Higit na pamumuhunan para mamamayan at imprastraktura" Anong imprastraktura? Elevated U-Turn? Ito ang pinakabagong "imprastraktura" ng Pangulo na matatagpuan sa C-5. Mukhang malaking badyet ang naipundar dito. Hindi pa subok ito, makakatulong kaya ito? Isa ito sa mga bagong ideya ng administrasyon at pinagmamalaki niya na tayo ang unang una na gumawa nun sa buong mundo. Puhunan sa mamayanan, mamamayang Pilipino din naman ako e, bakit wala akong nararamdaman pag-angat ng bayan? Nagmamahal na langis, bigas at pagkain. Ganun ba ang nabibigyang puhunan?
- "Sapat na pondo para sa mga programang pangmasa"
Noong Hunyo, nagpalabas tayo ng apat na bilyong piso mula sa VAT sa
langis—dalawang bilyong pambayad ng koryente ng apat na milyong mahihirap, isang bilyon para college scholarship o pautang sa 70,000 na estudyanteng
maralita; kalahating bilyong pautang upang palitan ng mas matipid na LPG, CNG o biofuel ang motor ng libu-libong jeepney; at kalahating bilyong pampalit sa
fluorescent sa mga pampublikong lugar."
Kung sapat ang mga ito, bakit marami pa ring naghihirap?
Kailangan daw ng VAT dahil ito ang tumutulong sa bansa natin. Pero saan napupunta ang binabayad nating mga buwis? Ayokong manghusga ng tao, pero sana naman napupunta sa tamang kalalagyan ang buwis natin. Gumawa ng anti-graft ek, ek, ang Presidente, pero ang Presidente mismo ay nagkakaroon ng kaso ng graft and corruption. Naniniwala ako na maganda magagawa ng VAT kung napupunta ito sa tama.
Sa totoo lang, maganda ang ibang ginagawa ng administrasyon na mga proyekto, pero kung magbibigay pa sila ng masa higit na aksyon, makikita ng mamamayang Pilipino na kung saan napupunta ang buwis ang giginhawa ang buhay ng lahat.
Isa ko pang gusto pansinin sa talumpati niya ay ang wikang ginagamit niya. Pilipino ang kausap niya, Pilipino din siya, nasa Pilipinas tayo, bakit may pa-english english pa siya. Paano na yung mga hindi nakapagaral? Mas magiging mabisa siguro ang talumpati niya kung sa wikang Filipino niya bibigkasin. Magkaroon na lang ng translator kung gusto niya. Ganon din ang ibang politiko. Sa Konggreso, english din ang usapan. Bakit nga ba?
Hindi ko masasagot ang mga tanong ko. Wala naman akong gaanong alam sa politika pero naniniwala ako na magkaroon tayo ng magaling at tapat na mga lider at nagkakaisang Pilipinas, TIYAK ISANG DAANG PORSIYENTO, AANGAT ANG BANSANG PILIPINAS.
1 comment:
yeah, tama yung sinabi mo ahaha.. hindi rin ako agree sa mga sinsabi niya, mas magkakaron ako ng interest kapg sinabi niya na nangugurakot lahat sila..
anyways,, yung project nila sa c-5? parang ang dami-daming pwedeng pagamitan ng budget like education diba? ilang porsyento lang ba nabibigay ng gobyerno para sa edukasyon? diba?
=)
Post a Comment