Saturday, August 16, 2008

CyberSosyalan

Sosyalan.

Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang ito?

Hmmm. . . siguro ang naiisip mo ay mga babaeng may mga pampakulay sa kanilang mga pisngi at labi, naglalakihang mga hikaw at kwintas, mga lalaking pustura, may mga hawak na espesyal na inumin. . .

Maaaring ganito ang nakasanayan nating ibig sabihin ng sosyalan. Pero hindi lahat ng sosyalan ay ganito - ang isang simpleng pagsasama-sama at pag-uusap ng mga tao ay isang sosyalan din dahil nakikisalamuha ang bawat isa sa mga tao sa paligid niya. Yun ang sosyalan.

Sa ngayon madaming paraan ng pakikipag-usap ng mga tao, lalo na sa Internet. Maari ba natin itong tawaging CyberSosyalan?

Isa na dito ang chatting. Maraming pwedeng gawin sa chatting kaya kahit inakala ko dati na hindi para sa akin ito, ayun ngayon dumadami na din ang contacts sa YM ko hehehe :-D pwede kang makipag-usap sa isang tao o maramihan pa nang sabay-sabay. Dito kaya mong maging invisible habang kausap ang iba.

Nandiyan din ang blogging. Kahit mga sariling opinyon at mga saloobin ang nilaagay mo dito, maraming nakakabasa at sa pamamagitan ng mga komento o comments, isang paraan din ito ng interaksyon at pakikipag-usap.

Pero para sa akin, hindi ko masasabing sosyalan ito. Sa sosyalan, may interaksyon at higit sa lahat pakikisalamuha sa iba't-ibang tao.

Pakikisalamuha = Nagkakakitaan, nagkakahawakan, nagkakaamuyan, (o wag kang bastos ha hehehe) nagkakaintindihan, nagtatawanan, nag-iiyakan, nagkakatalsikan ng laway. Kaya iba ang tunay na esensya at kahalagahan ng tunay na sosyalan sa cyberworld.

Isang mahalagang bahagi ng tao ang kakayahan niyang makisalamuha sa ibang tao sa kanyang paligid at hindi ito magagawa at matututunan nang lubusan kung hindi babalansehin ang oryentasyon ng tao sa Internet at sa kanyang kapaligiran. Hindi natin ito marahil mapupuna kaagad, ngunit ito ay totoo. ;-)

2 comments:

jacque said...

HAAA, totoo yun. kahit pa sabihin natin na pwede tayo makapag-usap sa internet, iba parin tlga pag nakikipagsalimuha sa ibang tao. mas ramdam mo ang totoong emosyon at nakikita mo pa ang body language nila. :)

feeling ko talaga mas sincere pag in person :)

all time low said...

Sumasangayon ako sa iyong obserbasyon. Tunay ngang mahalaga ang pakikisalamuha sa isang tao, at hindi yung kausap mo lang sa pamamagitan ng text o ng net. Iba pa rin ang harapang interaksyon dahil kahit gaano kabilis ang internet connection mo o kahit naka-unlitxt ka pa, di mapapahayag sa simpleng chat o text lang ang saloobin at opinyon ng isang tao.