Saturday, August 9, 2008

Kabtaan at Internet (Internet Generation Kids)






Medyo tinedyer na ko nung nagkaroon ako ng nagkamuwang pagdating sa internet. Ang pakikipagchat sa mIRC nga hindi ko alam na sa internet pala yun e. Alam ko lang, nagchachat ako kahit kanino. Bukod dun, dahil bagito lang ako, kung ano ano ang pinagagawa ko. Kung anu-ano inoopen ko, kahit hindi ko naman alam. Minsan puro kabastusan pala (pero, pramis, hindi ako mahilig talaga sa porn, hindi ako naging fan.

Alam nating lahat na maraming natutulong ang internet sa kabataan ngayon, ang internet generation (yun ang tawag ko sa mga pinanganank o lumaki na ng panahon ng internet). Pinapadali nito ang mga riserts ng mga estudyante. Kaysa pupunta ka pa sa silid aklatan tapos maghahanap sa bawat seksyon, tapos maghahanap pa sa bawat pahina, isang Google lang, ay lalabas na ang mga maaring sagot sa katanungan mo. "One Click Away" kumbaga. Bukod sa pag-aaral, mamumulat din ang mga mata ng bata sa mga pangyayari sa buong mundo. Ang internet ang naiging susi nila sa mundo sa labas ng kani-kanilang mga bahay.

Sa kabilang dako naman, hindi talaga maiiwasan ang masasamang, epekto ng internet para sa kabataan. Dahil sa curiosity kung saan saang site sila mapupunta.

Hindi lahat ng oras ay maari natin silang bantayan, ang magandang solusyon siguro upang maiwas ang mga bata sa mga masasamang dulot ng internet ay turuan sila kung ano ang tama at mali para kahit papano ay magabayan natin sila. Pero maaari rin sila na mismo ang matuto ng tama at mali habang nagnenet sila, self learning. Kung sa sarili kong anak, hahayaan ko lang siyang matuto ng sarili niya dahil hindi niya maiintindihan ang mga sinasabi ko hangga't hindi nangyayari sa kanya