Thursday, August 7, 2008

Ang SONA ay puro SHOW(na)

Napansin niyo ba na ang ginamit na lenggwahe ng ating pinakamamahal(!!) na Pangulo sa pamamamahayag ng kaniyang talumpati noong nakaraang SONA ay Taglish? Maaaring isa itong paraan upang maintindihan ng higit na nakararaming Pilipino, lalo na ang masa ang kaniyang mga sinasabi. Subalit kung ako ay tatanungin, mas mabuti pa rin kung purong Filipino ang ginamit niya sa pananalita hindi lamanag kapag sinasabi niya ang magaganda at makubuluhang proyekto na pinaglaanan ng atensyon kung hindi sa buong presentasyon.

Naiintindihan ko na kinikilala ang ating bayan bilang isa sa mga bansang may malaking porsyento ng taong may abilidad makipagtalastasan sa Ingles kaya nga naman nagmistulang kabuteng biglang sumulpot at naglipana ang mga Call Center pero hindi ito sapat na dahilan upang gamitin ito lamang. Ang SONA ay hindi lamang dahilan upang maantala ang mga klase kung hindi isang lehitimong paraan upang malaman ng bawat mamamayan ang estado ng ating bansa.

Sa kasamaang palad, sa kabila ng paulit-ulit na pagyayabang ng mga ginawa, ginagawa at gagawin ng pahalaan para sa patuloy na ikasasagana ni Juan dela Cruz, mas nananaig pa rin sa ibabaw ng magagandang salita ni PGMA at masigaboing palakpakan ng manonood at kumakalam na sikmura ng nagugutom na tiyan ng karamihan sa ating kababayang lubog na lubog sa kahirapan.

2 comments:

iamghec said...

Marahil tama ang iyong sinabi. Dapat nga siguro ay ginamit ng ating pangulo ang ating lingwahe para sa kanyang SONA (kaysa sa ingles) upang mas lalong maunawaan ng ibang mamayanan ang mga plano ng ating presidente para sa taon.

samchanso said...

Para yan hindi maiintindihan ng common na tao. :)

After all, how can you react to something that you have no idea about.