Saturday, August 9, 2008

Kabtaan at Internet (Internet Generation Kids)






Medyo tinedyer na ko nung nagkaroon ako ng nagkamuwang pagdating sa internet. Ang pakikipagchat sa mIRC nga hindi ko alam na sa internet pala yun e. Alam ko lang, nagchachat ako kahit kanino. Bukod dun, dahil bagito lang ako, kung ano ano ang pinagagawa ko. Kung anu-ano inoopen ko, kahit hindi ko naman alam. Minsan puro kabastusan pala (pero, pramis, hindi ako mahilig talaga sa porn, hindi ako naging fan.

Alam nating lahat na maraming natutulong ang internet sa kabataan ngayon, ang internet generation (yun ang tawag ko sa mga pinanganank o lumaki na ng panahon ng internet). Pinapadali nito ang mga riserts ng mga estudyante. Kaysa pupunta ka pa sa silid aklatan tapos maghahanap sa bawat seksyon, tapos maghahanap pa sa bawat pahina, isang Google lang, ay lalabas na ang mga maaring sagot sa katanungan mo. "One Click Away" kumbaga. Bukod sa pag-aaral, mamumulat din ang mga mata ng bata sa mga pangyayari sa buong mundo. Ang internet ang naiging susi nila sa mundo sa labas ng kani-kanilang mga bahay.

Sa kabilang dako naman, hindi talaga maiiwasan ang masasamang, epekto ng internet para sa kabataan. Dahil sa curiosity kung saan saang site sila mapupunta.

Hindi lahat ng oras ay maari natin silang bantayan, ang magandang solusyon siguro upang maiwas ang mga bata sa mga masasamang dulot ng internet ay turuan sila kung ano ang tama at mali para kahit papano ay magabayan natin sila. Pero maaari rin sila na mismo ang matuto ng tama at mali habang nagnenet sila, self learning. Kung sa sarili kong anak, hahayaan ko lang siyang matuto ng sarili niya dahil hindi niya maiintindihan ang mga sinasabi ko hangga't hindi nangyayari sa kanya

10 comments:

all time low said...

Aba, nakaranas ka rin pala mag-mIRC =) medyo naadik ako sa ganun, chikahan lang, walang pretensions at expectations.. basta kinikilala mo lang yung tao sa kabila ng monitor.

Mabuti ngang hayaan silang matuto pero para sa akin, mahalaga lang talaga mayroong limitasyon sa pagtuklas nila sa iba't ibang bagay.

=-hydee-= said...

sa totoo lang hindi ko alam at naabutan ung mIRC pero sa kwento mo at kwento ni pele( matanda na kasi siya..) naabutan ko lang ay yung YM na, ahahah.. anyways,, tama ung mga masamang epekto nito sa atin, marami ako nababasa na cases na nagkakilala sila and then may narepe or nakidnap or ninakawan.. dahil sa dami ng nagagawa ng internet gingamit din ito sa mga krimen..

jacque said...

reminisce? mIRC. old school days :)

Oh well, may point ka sa pagsabing kailangan natin hayaan ang mga kabataan na matuto (through experience) pero ang tanong ko ay, hangang saan ang limitasyon natin para dito? Hindi ba? :)

samchanso said...

Yeah. I know it's kind of extreme but it's like saying na "hahayaan ko lang mabuntis ang anak ko para malaman niya ang mga kasunod na consequence."

Prevention is better than cure. - Ayon sa isang kumersiyal na aking natanaw.

DiNa said...

uso MIRC dati! kelan ba ngstart un?meron pa ba nun? naku madaming manloloko dun! isa nako dun..since me mga foreign friends ako natuto ako ng ibang basic norweigian language tapos niloko ko ung isang kachat na Pinoy ayun akala nya Scandinavian ako hehehe....

paris O said...

naabutan ko ri ung mIRC pero hindi ako marunong gumamit..haha..:) pinapanuod ko lang kaibigan ko kapag natutulog ako sa kanila..minsan cia na rin pinapatype ko kasi mabagal ako magtype.:)

rpo tama sinabi mo jed.dapat gabayan natin ang mga bata pero dapat rin silang matuto ng tama at mali..:)

jedthyknight said...
This comment has been removed by the author.
jedthyknight said...
This comment has been removed by the author.
jedthyknight said...

Hayaan matuto, provided na hindi ka nagkulang sa mga pasabi sa mga anak mo. Halimbawa, "wag mo puntahan yung mga ganyang site, bastos yan"

Binalaan mo na sila. Hindi ka nagkulang. Kahit anong gawin mong pasabi, sila pa rin magdedesisyon kung ano gagawin nila at wala kang magagawa.

Sigurado ako na nangyari na sa iyo ang mga ganong pagkakataon. Ilang beses ka na sinabihan ng magulang mo, di ka pa rin sumunod. Hanggang sa dumating yung araw na sinabi mo na, "Ay, tama nga sila", TAMA BA?

jedthyknight said...

"hahayaan ko lang mabuntis ang anak ko para malaman niya ang mga kasunod na consequence."

Medyo ganon na nga. Nasa huli ang pagsisisi ng mga anak, hindi ba? At siyempre hahayaan mo ba mabuntis yung anak mo?

May mga magulang sinasabihan mga anak nila, "anak, tapusin mo muna pagaaral mo a, saka na yang boyfriend, boyfriend." (ibig sabihin, wag ka muna makipagtalik sa iba, tama ba?)

Pero nakikinig ba yung anak? Hindi, kaya nabuntis e. Curious. Ano kaya feeling makipagsex? Masarap kaya talaga? Ayun napasarap. Buntis. Nagkulang ba ang magulang?