Dati, may parte ang mga song hits, magazine, at pocketbook kung saan may makikita kang litrato ng tao kasama ang adres at "physical description" niya. Ito ang pen pal era. Pagkatapos nito, nauso naman ang random dialling ng landline at makikipagkilala, ito ang phone pal era. Halos kasabay ng text era, ay ang internet. Ito na ang bagong paraan ng mga tao upang makipagkilala sa iba. Uso noon yung mIRC. Marami ang nagchachat at mag-a-eyeball (magkikita kita for the first time). Marami ang nagkakila-kilala dito at maraming pagkakaibigan ang nabuo.
Ngayon, meron nang Multiply, Friendster, YM at kung anu-ano pang website sa pakikipaginteract. Nagiging malalapit ang mga tao sa isa't isa, sa ibang bayan man, maging ibang bansa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment